-- Advertisements --
Kahit na tinalo ng Cameroon ang Brazil 1-0 sa Group G match ng nagpapatuloy na FIFA World Cup 2022 sa Qatar ay bigo pa rin silang makapasok sa Round of 16.
Ito ay dahil sa nasa unang puwesto ang ranked number 1 na Brazil sa Group G na mayroong 6 points sa laro na ginanap sa Lusail Stadium.
Tanging si Vincent Aboubakar ang nakapagtala ng goal sa huling minuto ng second half ng laro para makuha ng ranked 43 na Cameroon ang panalo.
Nabigyan pa ng red card si Aboubakar matapos na tanggalin niya ang kaniyang t-shirt habang nasa loob ng playing field.
Dahil sa panalo ay makakaharap ng Brazil ang South Korea para sa Round of 16.