Inilunsad na ng Civil Aviation Authority of the Philippines(CAAP) ang ‘Oplan Biyaheng Ayos’ para sa Araw ng mga Patay at Araw ng mga Santo.
Sinabi ni CAAP Spokespeson Eric Apolonio na ito ay bilang paghahanda ng CAAP sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na magsisipag-uwian sa kani-kanilang mga lugar.
Kasabay nito ay hinigpitan na rin ng CAAP ang kanilang koordinasyon sa mga law enforcement units para sa pagtiyak sa seguridad ng mga paliparan.
Ayon kay Apolonio, nauna na silang nakipag-ugnayan sa mga airline companies para sa posibilidad ng pagdedeploy ng mga karagdagang tauhan para maserbisyuhan ang mga pasahero.
Kailangan aniyang dagdagan din ng mga airline companies ang mga tauhan nitong magbabantay sa mga paliparan, dahil sa tiyak ang paglobo ng mga pasahero.
Kaugnay nito, umapela naman ang CAAP sa mga pasahero na habaan lamang ang oras na ilalaan sa pagtungo sa mga paliparan bago ang kanilang mga nakatakdang flight.
Kung maaari, ayon sa ahensiya, maglaan ng tatlong oras bago ang biyahe upang masigurong walang aberya.