-- Advertisements --
Screenshot 2020 07 18 12 39 06

BUTUAN CITY – Muling nakapagtala ng dalawang local transmission ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) cases ang lungsod ng Butuan.

Ito ang kinumpirma Department of Health (DoH) Center for Health Development-Caraga sa isinagawang online press briefing.

Ayon kay Dr. Jose Llacuna Jr., Regional director ng DoH-Caraga, walang travel history pati na exposure sa COVID-19 patients ang dalawa na kasama sa 17 mga RT-PCR results na nagpositibo sa coronavirus kungsaan apat sa mga ito ang follow-up test sa una nang kumpirmadong positibong kaso.

Dahil dito aabot 13 mga bagong kaso ng COVID-19 ang nadagdag sa Caraga Region kung kaya’t umakyat pa sa 215 ang total confirmed COVID-19 cases.

Sa bagong mga kaso, lima ang nagmula sa Butuan City na mula sa Barangay Buhangin, Golden Ribbon, Ong Yui, Villa Kananga at Ambago.

Nakapagtala din ng apat na mga kaso ang Agusan del Norte kasama na dito ang tig-iisa sa mga bayan ng Tubay at Nasipit at dalawa naman sa bayan ng Santiago habang may tig-iisa naman sa mga bayan ng Esperanza ,Talacogon at Trento sa Agusan del Sur at isa naman sa bayan ng Madrid, lalawigan ng Surigao Del Sur.

Sa 13 mga bagong kaso, 11 nito ay mga Locally Stranded Individuals (LSIs) habang 2 naman ang naitalang local transmission kungsaan 12 sa mga ito ay asymptomatic maliban lamang sa isang may mild symptoms na na-admit ngayon sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

Sa mga bagong kason, walo sa mga ito ay lalaki habang lima naman ang mga babae na nasa sa edad 30 hanggang 40-anyos.

Sa ngayo’y umabot na sa 117 mula sa 215 na mga kaso ang nakarekober.