Kailangang maipanalo ang bawat game simula bukas.
Ito ang binigyang diin ni Miami Heat star Jimmy Butler, bago ang do-or-die game na kanilang papasukin bukas laban sa Denver Nuggets.
Ayon kay Butler, kailangan nilang maipanalo ang tatlong magkakasunod na game simula bukas, at kampante itong kayang-kaya itong gawin ng mga players ng Miami.
Pagtitiyak nitong hindi sila titigil hanggang hindi maipanalo ang serye dahil sa mababalewala umano ang lahat ng kanilang naging sakripisyo simula makapasok sa Playoffs 2023.
Ayon kay Butler, hindi siya magpapakita ng makasariling game, kahit pa ilang beses na ring nahirapan ang ilan sa kasama nito, tulad nina Max Strus at Gabe Vincent.
Pagtitiyak nitong hindi niya tatalikuran ang mga shooters ng Miami na aniya’y naasahan na nito ang kanilang taglay na talento sa mga nakalipas na game ng koponan.
Pagtitiyak ng Miami star na mas maganda ang ipapakita nilang laro bukas, kumpara sa mga nauna nang nasaksihan ng mga NBA fans.