-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 03 12 01 24
IMAGE | Manila Public Information Office

Ipinag-utos na ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagbuo ng Business One Stop Shop (BOSS) na layong mapadali ang pagkuha ng business permits sa lungsod ng Maynila.

Sa Executive Order No. 8, nanawagan ito sa pagbuo ng year-round Bagong Manila-BOSS para i-promote ang mas madaling pagnenegosyo sa lungsod.

Magiging opisina ng BOSS ang Manila City Business Center/Taxpayer’s Lounge sa ground floor ng Manila City Hall Taft Wing.

Sa pamamagitan ng BOSS, mapapadali na ang pagkuha ng local business license, clearances, permits, certifications at authorizations dahil nasa iisang bubong na lamang ang mga ito.

May personnel ang BOSS sa mga sumusunod na departments na nakahadang mag-assist sa mga aplikante at taxpayers:

  • Bureau of Permist and the License Division
  • Cash Division, City Treasury
  • City Planning and Development Office (CPDO/Zoning Division)
  • City Engineering/Building Office kabilang na ang Electrical Division
  • Manila Health Department
  • Electronic Data Processing Office (EDP)
  • iba pang regulatory offices
  • Bureau of Fire Protection

Ang soft launch ng Bagong Manila BOSS ay isasagawa sa Lunes, July 22.