-- Advertisements --

LA UNION – Ligtas ang 11 pasaherong sakay ng isang bus na nasunog habang bumibiyahe sa La Union.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni police Capt. Nestor Juanbe, officer in charge ng Pugo Police Office, binabaybay ng isang Solid North bus ang kahabaan ng Pugo-Rosario road sa Brgy. Ambalite nang pumutok ang isa sa mga gulong nito.

Agad pinalabas ng driver na si Isagani Lata, 44; at konduktor na si Christine May Nicole Andres, 18, ang mga pasahero habang hinihintay na rumesponde ang Bureau of Fire Protection.