-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Hindi pa rin absuwelto sa kaso ang isang buntis na inabutan ng panganganak sa patrol car matapos hinuli ng mga otoridad sa Bayawak Purok 2 President Quirino, Sultan Kudarat.

Sa panayam ng Bombo Bombo Radyo Koronadal kay P/Executive master Sargeant Edgat Galande Mespo ng President Quirino Municipal Police Station, habang nasa kustodiya ng mga otoridad ang buntis ay nagpaalam ito na pupunta sa banya at bigla nalang sumakit ang kanyang tiyan.

Inamin naman ng buntis na ngayong Abril ang kabuwanan nito at maaaring anumang oras ay manganganak siya.

Mabilis naman na isinakay ng mga pulis ang nasabing buntis sa patrol car upang dalhin ito sa pinakamalapit na ospital. Ngunit habang nasa biyahe ay hindi na napigilan pa ng buntis dahil lumabas na ang baby nito.

Isang malusog na baby girl ang kanyang anak at nagpapalakas na sa ospital bago harapin ang ang kasong illegal gambling.