Tinambakan ni Brooklyn Nets ang Washington Wizards para bumawi ng panalo sa score na 128-86.
Ito pa lamang ang ikatlong panalo ng Brooklyn matapos na malasap ang anim na talo sa pagsisimula ng bagong NBA season.
Halos magtala naman ng triple double performance ang NBA superstar na si Kevin Durant na may 28 points, 9 rebounds at 11 assists.
Kung maalala ang isa pang star player ng Brooklyn na si Kyrie Irving ay sinuspinde ng limang araw kasunod ng maaanghang na salita laban sa Jewish community bagay na humingi na rin siya ng paumanhin.
Sa ibang game naman, itinumba ng Boston Celtics ang Chicago Bulls sa score na 123-119.
Nagpakawala si Jason Tatum ng 36 points at 12 rebounds upang itala ng Celtics ang ikalimang panalo.
Sa panig ng Bulls nasayang ang ginawa ni Demar DeRozan na may 46 big points.