-- Advertisements --

Nagsimula nang tumaas ang bilang ng mga pasahero sa mga pangunahing pantalan sa buong bansa.
Ito ang iniulat ng Philippine Coast guard (PCG), dahil sa inaasahang exodus ng mga byahero dahil sa long weekend.
Ngayong araw, pumalo na sa 26,720 ang bilang ng mga mananakay sa mga pier.
Nasa 14,746 ang outbound passengers at nasa 11,974 naman ang inbound passengers.
Kaugnay nito, nagtalaga ang PCG ng 3,056 na tauhan sa 15 distrito.
Ininspeksyon din ng Coast Guard ang 150 na barko at 127 na motorbanca bago bumiyahe.
Mananatili ang heightened alert ng Coast Guard hanggang November 6, 2023 para sa inaasahang pagdagsa ng pasahero ngayong Undas at halalan.
Katuwang na rin ng PCG ang PNP para mapanatili ang kaayusan sa mga pantalan.










