Iniulat ng National Irrigation Administration ilalaan nito sa pagpapatubig sa dagdag na ektarya ng mg palayan ang ilang bahagi ng pondong kanilang matatanggap para sa taong 2024.
Ito ay matapos na magpatupad ng budget realignment ang mga mambabatas na nagkakahalaga sa Php40 billion para sa 2024 budget ng naturang ahensya.
Sa isang statement, sinabi ni NIA Administrator Eduardo Guillen, nakatuon sa agricultural productivity na kabilang sa mga prayoridad ng Marcos administration ang naturang realignment ng kanilang budget.
Kung kaya’t gagamitin ng kanilang kagawaran ang naturang pondo para sa pagpapatubig sa karagdagang 57,000 hectares ng mga palayan.
Aniya, ang mga ito ay inaasahang magbubunga ng karagdagang 570,000 metric tons ng palay bawat taon.
Samantala, kaugnay nito ay nagpasalamat naman si Guillen sa House of Representatives sa pagpapanumbalik ng kanilang budget na mahalaga aniya ang papel pagdating sa pagtugon sa climate change at sustainability concerns ng bansa