Umaasa si Department of Budget and Management Sec. Amenah Pangandaman na maaprubahan ang kanilang panukalang budget para sa pagtugon sa mga kalamidad sa susunod na taon.
Batay kasi sa isinumiteng panukalang budget ng DBM sa mababang Kapulungan, nasa P31billioin pesos ang magiging pondo ng pamahalaan para sa disaster response para sa 2024.
Ito ay mas mataas ng sampung billion mula sa kasalukuyang pondo ng bansa na nasa P20.5billion lamang.
Ayon sa kalihim, magagamit ang nasabing pondo para tugunan ang ibat ibang mga kalamidad sa buong bansa.
Samantala, tiniyak naman ng ahensiya na nananatiling sapat ang pondo ng bansa para sa disaster response.
Ayon pa rin kay Sec. Pangandaman, may natitira pang P12billion na calamity fund na maaaring gamitin sa nalalabing bahagi pa ng taon.
Una na aniyang nakapaglabas ang DBM ng P8.4 billion mula nitong Enero hanggang Hulyo ng kasalukuyang taon.
Nananatili naman sa P500million ang Quick Relief Fund ng bansa. Ang QRF ay ang built-in budgetary allocation para sa pre-disaster response, o standby fund ng mga ahensiya ng pamahalaan na nakatutok sa disaster response.