-- Advertisements --

Sumasailalim na sa pagsasanay ang mga jail guards ng Bureau of Corrections (BOC) sa paggamit ng mga bagong body camera.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr, na ang nasabing mga camera ay gagamitin para operasyon sa loob ng mga BuCor jail facilities sa bansa.

Ang hakbang ay bahagi ng reporma na kaniyang ipinapatupad para maging transparent ang bawat operasyon at transaksyon sa loob ng iba’t-ibang penal farms na sakop ng BuCor.

Sa ngayon ay nasa 20 mga personnel nila ang sumasailalim sa pagsasanay sa paggamit ng mga body camera.

Isang pagbabago na kanilang ginagawa ngayon ay ang pagdagdag na rin nila ng mga CCTV sa loob ng New Bilibid Prisons para mabantayan ang mga paggalaw sa loob ng mga pasilidad.