-- Advertisements --

Mas lalo pa umanong susunod sa health protocol na itinakda ng Inter Agency Task Force (IATF) si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag matapos mag-negatibo na sa ikalawang RT-PCR test.

Ayon sa BuCor, pati si BuCor Spokesman Gabriel Chaclag ay negatibo na rin sa nakamamatay na sakit.
Noong Setyembre 18 raw nangmakaramdam ng sintomas ng virus si Bantag.

Sinabi noon ni Bantag na ang kanyang driver at security ang unang trinangkaso pero hindi raw nila ito idineklara sa kanya o sa health service ng BuCor.

Pero aniya, matapos itong uminom ng gamot ay bumuti naman ang kanyang kalagayan.

Maalalang noong Setyepmbre kinumpirma ni BuCor spokesperson Asec. Gabriel Chaclag na positibo rin ito sa COVID-19.