-- Advertisements --

Ginamit ng Milwaukee Bucks ang matinding three point shots upang makabangon sa dalawang magkasunod na talo nang tambakan ang Portland Trailblazers, 134-106.

Sa first quarter pa lamang agad nang uminit ang Bucks at umabot pa sa 39 points ang kalamangan pagsapit ng 4th quarter.

Nanguna si Jrue Holiday na may 22 points para sa Bucks na meron ng record na 12-8.

Ang NBA MVP na si Giannis Atentokounmpo ay nag-ambag ng 18 points.

Ang Blazers ay nasadlak naman sa kartada na 10-9.