-- Advertisements --
Naglabas ng bagong kanta ang Korean group na BTS.
Ang kantang “The Planet” ay siyang unang kanta ng grupo habang sila ay namamahinga dahil sa kanilang pagsali sa military training.
Kabilang ang kanta bilang soundtrack ng animated movie na “Bastions”.
Mula ng mai-upload ito sa YouTube Channel ng grupo ay mayroon na itong mahigit na 3 milyon views.
Una ng inanunsiyo rin ng grupo noong 2022 na sila ay maghihiwalay dahil sa kanilang solo careers.