-- Advertisements --
Nabasag ng Korean boy group na BTS ang sarili nilang record matapos makuha ang Favorite Music Group sa 2023 Nickelodeon Kids’ Choice Awards.
Ginanap ang nasabing awards noong Marso 4 sa Los Angeles.
Ito na ang pang-apat na sunod na taon na makuha ng grupo ang nasabing award.
Bukod pa dito ay ito na rin ang pampitong trophy m ula sa Kid’s Choice Awards.
Noong Marso 2021 ay nakuha nila ang Guinness World Record para sa “most Nickelodeon Kids’ Choice Awards na napanalunan ng isang grupo.
Nabuo ang grupo noong 2013 na kinabibilangan nina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V at Jungkook.