-- Advertisements --
Sumailalim sa operasyon sa kaniyang daliri si Kim Seokjin ang isa sa mga miyembro ng Korean group na BTS.
Ayon sa agency nito na BigHit Music na nagtamo ito ng injury sa kaniyang left index finger.
Nagtamo umano ng partial damage at kinailangan ng operasyon.
Naging matagumpay naman ang operasyon kung saan agad naman itong pinayagan ng doktor nito na makalabas na sa pagamutan.
Tiniyak naman ng agency nito na makakasama si Jin sa pagtungo ng grupo sa US para sa kanilang apat na araw na in-person concert sa buwan ng Abril.