-- Advertisements --

Nakatakdang maglabas ng kaniyang solo album si BTS member Jimin.

Ayon sa Bright Music agency, na ilalabas ang nasabing solo album nito sa darating na Marso 24.

Sa kanilang social media ay naglabas sila ng 35-segundo na teaser ng album na pinamagatang “Face”.

Ito ang unang full album ni Jimin na siyang hakbang sa pagiging solo artist na niya.

Ang 27-anyos na si Jimin ay siyang pang-apat na miyembro ng BTS na naglabas ng kanilang mga sariling album.