-- Advertisements --
Mabilis na nakakuha ng milyon views sa YouTube ang bagong kanta ng BTS member na si J-Hope.
Ang kantang “On The Street” ay inilabas nitong Biyernes at matapos ang ilang oras ay umabot agad ito ng milyon ang views sa YouTube.
Kasama nito sa kanta ang American rapper na si J.Cole.
Ito na ang maaring huling paglabas ng kanta ni J-Hope bago ito pumasok sa mandatory military training .










