-- Advertisements --

Iniutos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga financial institutions na tanggalin ang lahat ng electronic sabong (e-sabong) operators sa listahan ng mga merchant sa kanilang mga online app.

Sa isang pahayag, sinabi ng BSP na naglabas sila ng Memorandum 2022-026 sa lahat ng BSP Supervised Financial Institutions (BSFIs) alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspindihin ang lahat ng operasyon ng e-sabong sa bansa simula Mayo 3.

BSP 2 Manila

Inuulit ng BSP na ang mga BSFI ay dapat lamang makitungo sa gambling and/or online gaming businesses na pinapayagang mag-operate ng naaangkop na ahensya ng gobyerno.

Magugunitang ipinatigil ni Duterte ang mga operasyon ng e-sabong dahil sa negatibong epekto nito sa lipunan, kabilang ang pagkagumon sa pagsusugal at pagkawala ng ilang mahilig sa sabong.

Hinikayat din ang mga financial firm na ipaalam sa mga kliyenteng may natitirang pondo sa kanilang mga e-sabong account na maglipat ng pera pabalik sa kanilang mga e-wallet sa loob ng 30 araw mula sa pagpapalabas ng memorandum,

Sinabi ng BSP na inutusan ang mga BSFI na i-disable ang link sa pagitan ng e-sabong accounts at e-money wallet, gayundin ng e-sabong merchant operator accounts.

“The BSP reiterates that BSFIs should only deal with gambling and/or online gaming businesses that are allowed to operate by the appropriate government agency,” bahagi ng signed memorandum ni Gov. Diokno.

Ang e-sabong, ang online na pagtaya na naka-link sa tradisyunal na sabong ay naging popular sa panahon ng pandemya ng COVID-19 nang ipinagbabawal ang mga face-to-face na kaganapan.

Nauna nang sinabi ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na ang pagpataw ng buwis sa mga operasyon ng e-sabong ay maaaring makatulong na makabuo ng pondo upang mabayaran ang lumulubog na utang ng bansa.