Iniimbestigahan na sa ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagtangay ng staff ng EastWest Banking Corp. sa pondo ng dalawa sa matagal na nitong depositors.
Sa isang statement sinabi ng BSP na sinimulan na nilang silipin ang napaulat na unauthorized transactions sa naturang bangko matapos na ibunyag ito ni ACT CIS party-list Rep. Nina Taduran.
Nauna nang sinabi ni Taduran sa isang panayam na ilang daang milyong piso deposits ng dalawa sa kliyente bangko ang natangay ng staff nito.
Sa hiwalay na statement, kinumpirma ng bangko ang naturang insidente, pero hindi naman isiniwalat ang halagang nakuha ng isa sa mga babae nilang branch managers.
Hindi naman din sinabi ng bangko kung sa anong branch nila ito nangyari.
Gayunman, tiniyak naman ng BSP na ligtas pa rin naman sa mga bangko ang pera ng mga depositors.










