-- Advertisements --

Dinoble ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang contribution ceiling para sa retirement fund ng Personal Equity and Retirement Account (PERA).

Ayon sa BSP na layon ito ay para mas lalong dumami ang kanilang mahikayat makapag-ipon para sa kanilang retirement.

Mula kasi sa dating P100,0000 para sa mga locally employed ay ginawa nila itong P200,000 na annual limt contribution.

Habang sa mga overseas Filipino workers ay mayroong P400,000 mula sa dating P200,0000.

Sinabi ni BSP Governor Felipe Medalla, na ang pagtaas ng limits ay para magbigyan ang mga mamamayan ng mas maraming oportunidad para matiyak ang kanilang financial security.

Inilunsad ang programa noon pang 2016 na isang voluntary retirement savings program kung saan noong 2022 ay tumaas ng 30 percents ang kanilang mga kliyente.