-- Advertisements --
comelec

Opisyal nang natapos ang ang 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) matapos makumpleto ng Commission on Elections (Comelec) ang canvassing ng mga balota sa lahat ng 42,001 barangay.

Ayon kay Comelec chairman George Garcia , 100% complete na ang naganap na canvassing.

Ang lahat ng mga nanalo sa 2023 BSKE ay naiproklama na rin ng mga kinauukulan.

Maliban na lamang sa mga inutusang suspindihin ng Comelec at ang may mga tie votes dahil ang electoral boards ay humiling ng five-day notice rule.

Sa ngayon, umaasa ang COMELEC, na magagampanan ng mga nanalong kandidato ang kanilang tungkulin na umupo sa puwesto at maglingkod sa kanilang nasasakupan.