-- Advertisements --

Pormal ng nanumpa ng kaniyang oath of allegiance to the Philippines si Barangay Ginebra resident import Justin Brownlee.

Isinagawa ang nasabing panunumpa sa senado na pinangunahan ni Senator Francis Tolentino na siyang sponsor sa batas para sa naturalization ni Brownlee.

Sa kaniyang talumpati labis na nagagalak ito at handa ito ng irepresenta ang bansa sa larangan ng basketball.

Pagtitiyak nito na hindi niya bibiguin ang mga Filipino sa mga laro kung saan sasabak ang Gilas Pilipinas.

Inaasahan na sasabak ito sa ikaanim na window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa buwan ng Pebrero.