Nakatakdang dumalo sa pagdinig ng kongreso ang beteranong PBA import na si Justin Brownlee para sa kaniyang naturalization.
Isa kasi si Brownlee sa pinagpipilian ng Gilas Pilipinas na maging naturalized player.
Sinabi ni Samahang Basketball ng Pilipinas executive director Sonny Barrios, na sa araw ng Biyernes ang itinakdang pagpapatawag kay Brownlee.
Pinayuhan din nito si Brownlee na isaulo ang pambansang awit ng bansa na Lupang Hinirang.
Bukod kay Brownlee kasi ay inaayos na rin nila ang naturalization nina Ateneo player at University Athletic Association of the Philippines Most Valuable Player Ange Kouame at si Utah Jazz Filipino-American player Jordan Clarkson.
Target nila na maaprubahan ang kanilang naturalization bago ganapin ang sixth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.










