-- Advertisements --
Ikinalugod ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang pagsama ni naturalized player Justin Brownlee sa kanilang gagawing tune-up games sa Estonia bago ang pagsisimula ng FIBA Basketball World Cup.
Sinabi pa ni Reyes na sumailalim muna sa non-basketball medical procedure at walang naging problema kaya makakdalo siya sa ilang mga gaganaping tune-up games.
Nitong Martes lamang kasi ay tinapos na ng Gilas Pilipinas ang kanilang training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna at nakatakda silang lumipad patungong Estonia sa Huwebes.
Nakatakdang makaharap nila ang ilang mga koponan sa Europa na siyang magiging malaking tulong para sa pagsabak nila sa FIBA Basketball World Cup sa Agosto.