-- Advertisements --
Hiniling ni Britney Spears sa korte na pormal ng tanggalin ang ama bilang conservator.
Mula pa kasi noong 2008 ay ang ama nitong si Jamie Spears ang nangangasiwa sa kaniyang mga personal affairs matapos na public breakdowns ng singers.
Temporaryo ding itinalaga si Jodi Montgomery bilang conservator noong 2019 ng bumaba ang ama dahil sa problema sa kalusugan.
Nais ngayon ng kampo ng singer na gawing permanente na si Montgomery bilang conservator.
Bilang conservator ay mayroong kapangayarihan si Montgomery na limitahan ang bibisita kay Spears, maari rin nitong silipin ang medical records ng singer, mangangasiwa ng seguridad dito at magsampa ng kaso sa sinumang gagawa ng masama sa singer.