-- Advertisements --

Ilang pahayagan sa Amerika ang iniulat na pumasok umano sa isang rehabilitation facility ang pop star na si Britney Spears ilang araw na ang nakalipas para magpagamot dahil sa umano’y substance abuse.

Batay sa mga source na malapit sa singer, hinikayat umano siya ng mga kaanak at malalapit na kaibigan na magpagamot na, na kalaunan daw ay pumayag ang 44 taong gulang na pop star na magpa-admit ng kusa.

May ulat din na inamin umano ng ilang source na umabot siya sa pinakamababang punto ng kanyang buhay.

Nauna rito, iniulat na inaresto si Britney noong Marso, 2026 bsa California dahil sa suspetsa ng driving under the influence of alcohol at droga matapos umano siyang mapansing mabilis na magmaneho sa isang highway.

Kalaunan ay pinalaya rin siya habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, nagpakita umano siya ng senyales ng impairment at sumailalim sa field sobriety tests bago arestuhin.

Sinabi rin ng kanyang kinatawan na ang insidente ay hindi katanggap-tanggap at umaasang magiging hakbang ito para sa mas maayos na pagbabago sa kanyang buhay.

Kilala si Britney bilang isa sa pinakakilalang pop icons mula dekada ’90 hanggang 2000s. Sumikat sa mga hit na kanta tulad ng “…Baby One More Time” at “Toxic.”

Sa mga nakaraang taon, naging sentro rin siya ng usapin tungkol sa mental health at ang kanyang dating conservatorship na natapos noong 2021.