-- Advertisements --

Magsasagawa ng concert sa bansa ang British singer na si Sam Smith.

Ayon sa singer na kabilang ang Pilipinas sa listahan ng kaniyang “Gloria” concert tour sa Asya.

Gaganapin aniya ang nasabing concert sa darating na Oktubre 21 sa Mall of Asia Arena.

Sa kaniyang social media ay masayang inanunsiyo ng singer ang pagsasagawa ng concert sa Pilipinas.

Huling nagsagawa ng concert ang singer ay noong taong 2018.

Mayroon itong apat na Grammy Awards kabilang ang Best New Artist noong 2015 at Record of the Year at Song of the Year na “Stay with Me” at Best Pop Vocal Album para sa “The Lonely Hour”.