-- Advertisements --

Personal na binisita ni British Prime Minister Rish Sunak si Ukrainian President President Volodymyr Zelensky.

Ito ang unang pagkakataon na pagbisita ni Sunak sa Kyiv mula ng maupo bilang prime minister.

Sa kaniyang pagbisita ay nangako ito ng halos $60 milyon na military aid sa Ukraine.

Ang nasabing tulong ay kinabibilangang 125 anti-aircraft guns at teknolohiya para makontra ang drones ng Iran na ibinigay sa Russia.

Kasabay din nito ay inanunsiyo niya ang pagpapaigting ng pagsasanay sa mga sundalo ng Ukraine kung saan magpapadala ito ng mga army experts at medics bilang suporta.