STAR CEBU -Nagsagawa ngayon ng fundraising campaign ang isang British national sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong ngayong may kinakaharap na pandemic ang buong
mundo.
Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay Rimu Atkinson, sinabi nitong pinili niyang tulungan ang mga Pinoy dahil napapalapit na ang mga ito sa kanyang puso.
Sinabi pa ng 41 anyos na foreign national na nakatira ito ng 2 taon sa bayan ng Moalboal Cebu kaya marami na rin itong mga kakilalang indibidwal doon.
Sa ngayon, inuuna muna niyang bigyan ng tulong ang tao doon lalo na’t matagal din itong nananatili sa nasabing lugar.
Umaasa naman itong marami pang mabigyan ng kanyang tulong.
Samantala, ibinahagi naman ni Atkinson na ‘peaceful at relaxed’ na ang kanyang nararamdaman sa ngayon sa kanilang bansa dahil unti-unti na rin umanong nagbalik operasyon ang iba’t ibang establisyemento sa kanila.
Nagbigay pa ito ng mensahe sa lahat na magtulungan tayong lahat, suportahan at alagaan ang bawat isa upang malampasan natin itong kinakaharap.