-- Advertisements --

Kinampihan ni British model Kate Moss ang actor na si Johnny Depp.

May kaugnayan ito sa pagdinig sa kasong inihain ng 58-anyos na actor laban sa dating kasintahan na 36-anyos na si Amber Heard.

Sa virtual na pagdalo nito sa pagdinig ng kaso iginiit ni Moss na naging abusado lamang si Heard.

Itinuturing ng abogado ni Depp si Moss bilang rebuttal witness matapos na ibunyag ni Heard na muntik ng itulak ng actor ang kapatid nitong babae.

Kuwento pa aniya ni Heard na mayroon siyang nalamang impormasyon na tinulak umano sa hagdan ni Depp si Moss.

Sina Moss at Depp ay nagkaroon ng relasyon mula 1994 hanggang 1998 kung saan pinabulaan ni Moss ang alegasyon ni Heard at sinabing aksidenteng nadulas lamang siya sa hagdan.

Magugunitang kinasuhan ni Depp si Heard ng $50-milyon defamation sa ibinunyag nito sa isang diyaryo.