-- Advertisements --

Nag-alala ang kaanak ng British actress na si Tanya Fear matapos na ito ay naiulat na nawawala sa Los Angeles.

Huling nakita ang 31-anyos na actress sa LA noon pang Setyembre 9.

Sinabi ng kaniyang ina na labis ang kanilang pag-alala dahil hindi man lamang nila ito matawagan o ma-kontak.

Nagtungo na ang ilang mga kaanak nila sa Los Angeles Police para sa agarang paghahanap ng actress.

Kasama ang actress sa sci-fi drama ng BBC na “Doctor Who”.

Bukod pa dyan ay lumabas din ang actress na si Tanyaradzwa Fear sa tunay na buhay sa ilang TV shows gaya ng “Spotless”, “Endeavor”, “DCI Banks” at “Midsomer Murders”.