-- Advertisements --
Hindi pabor ang Britanya na magpadala ng mga fighter jets sa Ukraine.
Sinabi ni British Defense Secretary Ben Wallace na hindi tamang desisyon pa sa ngayon ang pagpapadala ng mga fighter jets.
Kapag ginawa aniya nila ito ay lalong titindi ang kaguluhan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Nauna ng tumanggi si US President Joe Biden sa hiling ng Ukraine na magpadala sila ng mga fighter jets.
Magugunitang bukod sa tangkeng pandigma ay humirit ang Ukraine na kung maaari ay bigyan silang fighter jets para tuluyang mapalayas ang mga sundalo ng Russia.