-- Advertisements --

Muli na namang ilalagay sa lockdown ang Brisbane at iba pang bahagi ng Queensland para mapigilan ang pagkalat ng Delta variant.

Ilang milyong residente sa lungsod at iba pang mga lugar ay isasailalim sa stay-at-home orders mula Sabado sa loob ng tatlong araw, ayon kay state Deputy Premier Steven.

Iginiit ni Miles na ang tanging paraan para matalo ang Delta strain ay ang mabilis na pagkilos laban dito.

Anim na kaso ng Delta variant ang naitala ngayong araw lang sa Brisbane.