-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Education Secretary Leonor Briones ang mga magulang at guro sa dedikasyon nila sa paghubog sa graduating batch ng Pilipinas.

Nagpaabot din siya ng kanyang pagbati sa mga magtatapos na estudyante, faculty, school officials at staff para sa kanilang graduation at moving-up ceremonies para sa School Yeal (SY) 2020-2021.

“Let this ceremony be a reminder that we can overcome anything through our concerted efforts. And with DepEd supporting you in every way possible, we will be able to respond to every challenge, especially in the basic education sector,” mensabe ni Briones para sa mga estudyanteng nagtapos sa kanilang pag-aaral.

Itinuturing din aniya niyang isang karangalan na maging bahagi nang tagumpay at milestones ng graduating batch ngayong taon.

“While this historic season gave unprecedented challenges posed by the COVID-19 (coronavirus disease) pandemic, I am confident that this new breed of Filipino nation-builders – one that has experienced unusual obstacles – will be vital in moving the country for the years to come.”

Samantala, hinimok ng kalihim ang mga graduating students na gayahin ang mga bayani ng bansa na naharap sa samu’t saring hamon pero walang pag-aatubili at pangamba na kumilos para pagtagumpayan ang mga ito sa pamamagitan nang pag-aaral.

Nabatid na Hulyo 9 pa huling araw ng pasok sa mga pampublikong lugar, na sinimulan noon lang Oktubre 5, 2020 dahil sa hamon na dulot ng COVID-19 pandemic.