-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang opisyal ng barangay habang nagtatalumpati sa isang paaralan sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang nasawi na si Efren Felonia, barangay kapitan ng Brgy Doroluman, Arakan, Cotabato.
Ayon sa ulat ng Arakan PNP na habang nagsasalita si Kapitan Felonia sa Foundation Anniversary Culmination Program ng Cotabato Foundation College of Science and Technology (CFCST-Arakan) ay bigla itong inatake sa puso.
Agad dinala ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.
Kilala si Felonia na isang matulungin daw na opisyal ng barangay at marami ng nagawang proyekto.
Sa ngayon ay nagluluksa ang kanyang pamilya at mga residente ng Barangay Doroluman sa di inaasahang pagpanaw ni Kapitan Felonia.