BOMBO DAGUPAN- Isinailalim sa Orange Category ang Brgy. Bayaoas sa bayan ng Aguilar kasunod ng pagkakaaresto sa mga suspek sa pamamaslang sa tumatakbong kandidato bilang Punong Barangay sa naturang lugar na si Arneil Adolfo Flormata.
Ito ang ibinahagi ni Police Provincial Office Director PCol. Jeff Fanged sa kanyang pagdalo sa ginanap na press conference sa Capitol Resort sa bayan ng Lingayen kasama sina Pangasinan Governor Ramon “MonMon” Guico, III at Provincial Elections Officer Atty. Marino Salas.
Aniya na dahil sa maigting na pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan sa hanay ng kapulisan ay mabilis nilang natukoy ang pagkakakilanlan at nahuli ang mga suspek sina Maria Magnolia Repancol Galedo, 50 anyos at barangay incumbent brgy chairman ng naturang lugar na siyang mastermind at Kelly Doroy Rosario, 54 anyos, ang itinuturong gunman.
Si Jayson Marquez Vicente naman, 30 anyos at residente ng Sitio Kasagatan sa nasabing brgy ay boluntaryong sumuko sa kapulisan noong Oktubre 24 kung saan ay inamin nito ang partisipasyon sa krimen.
Samantala, nabatid na na nakapagsumite na ng Certificate of Candidacy ang asawa ng pinaslang na kandidato.










