CENTRAL MINDANAO-Dead on arrival sa ospital ang isang myembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Satar Mapedis Gansali,44 anyos,may asawa at residente ng Barangay Pamalian Pikit Cotabato.
Ayon kay Pikit Chief of Police Major Maxim Peralta na lulan ang biktima sa kanyang minamanehong motorsiklo sa Brgy Poblacion sa bayan ng Pikit nang bigla itong dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Maguindanao.
Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa kanyang katawan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit MPS sa pamamaril patay sa biktima.