-- Advertisements --

Lumutang ngayon ang impormasyon na kabilang ang Boston Celtics sa mga teams na nag-aambisyon umano na makuha ang serbisyo ng NBA superstar na si Kevin Durant mula sa Brooklyn Nets.

Nasa isang buwan na ngayon na wala pa ring nakakasungkit kay Durant sa kabila ng hiling nito na malipat ng ibang team.

Gayunman duda ang ilang sports analyst na agad na makukuha ng Boston si Durant dahil kailangan din ang napakabigat na kapalit tulad na lamang kung kaya bang pakawalan ng Celtics ang kanilang All-Star forward na si Jaylen Brown.

Una rito, naging usap-usapan din na kabilang sa iba pang team na nakikipag-agawan na makuha si Durant ay ang Miami Heat, Phoenix Suns, at Toronto Raptors.