Bigo pa ring magbulsa ng panalo ang Boston Celtics matapos itong padapain ng Detroit Pistons sa ikatlo nitong game ngayong season, 119 – 113.
Hindi naging sapat ang 41 points na ibinuhos ni 2024 NBA Finals MVP Jaylen Brown para maipanalo ng Celtics ang ikatlo nitong game ngayong season.
Magkakasama ang mga bagitong Pistons star na nagdumina sa panalo sa pangunguna ni Jalen Duren na kumamada ng 24 points at 18 rebounds habang 21 points at 12 rebounds naman ang ambag ng guard na si Ausar Thompson.
Hini rin nagpahuli si Pistons captain Cade Cunningham na gumawa ng 25 points at walong assists.
Sa loob ng tatlong game, pawang malamiyang depensa ang ipinakita ng Boston, na labis na sinasamantala ng kanilang mga nakalaban tulad ng Pistons.
Sa ikatlong game ng 2024 NBA champion, tanging 38 rebounds lamang ang nakuha nito habang 55 rebounds ang kinamada ng Pistons.
Nananatili pa ring hindi nakakapaglaro si Boston star Jayson Tatum habang nagpapagaling sa kaniyang achiles injury.
















