-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Handa nang tumanggap ng mga turista ang isla ng Boracay matapos na isinailalim sa general community quarantine ang buong lalawigan ng Aklan simula ngayong araw hanggang sa Setyembre 30, 2021.
Kaugnay nito, ikinagalak ni Malay Mayor Frolibar Bautista ang naging pasya ng National Inter-Agency Task Force Against Covid-19 na luwagan ang quarantine classification ng lalawigan dahil sa malaking tulong aniya ito sa publiko.
Aminado ang alkalde na lubusang naapektuhan ng pandemya ang kanilang bayan dahil sa pagsara ng Boracay sa mga bakasyunista kung saan, ito ang pinakamalaking source of income ng LGU.
Mananatili namang requirement ang negatibong resulta ng RT-PCR test para sa mga turistang papasok sa isla mula sa ibang probinsya.