Nirerespeto ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang proseso ng korte sa kaso ng sinumang indibidwal.
Reaksyon ito ng Palasyo sa pagpapaaresto ng Sandiganyan kay Sen. Rodante Marcoleta na nahaharap sa kasong plunder.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kung ito ang isinasaad at sinasabi ng batas ay igagalang ng Pangulo.
Hindi naman masabi ng Malakanyang kung may epekto sa impeachment trial ni Vice Pres. Sara Duterte ang pag-aresto kay Marcoleta.
Sabi ni Castro, nasa kamay na ito ng Senado.
Wala naman anyang magagawa ang Ehekutibo kundi ipatupad ang valid na warrant of arrest na inisyu ng korte.
Kaugnay nito’y tiwala rin ang Palasyo na igagalang ng Iglesia ni Cristo ang pagpapatupad ng batas.
Walang duda ang Malakanyang kung pag- uusapan ay tiwala nito sa liderato ng Iglesia ni Cristo lalo na sa usapin ng pagsunod nito sa mga umiiral na batas.
Ang pahayag ay ginawa ng Palasyo kasunod ng kusang loob na pagsuko ni Senador Rodante Marcoleta matapos ang pormal na paglalabas ng arrest warrant sa kanya ng Sandiganbayan para sa reklamong Plunder.
astrAyon kay Castro, batid nilang marunong tumalima ang INC leadership sa kung ano ang ipinag- uutos ng korte.
Ayaw nila ani Castro na mag- isyu ng pahayag sa kung baka muling magsagawa ng rally kasunod ng naging development sa kaso ni Senador Marcoleta na ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP.
Nananatili aniya ang Malakanyang sabi ni Castro sa paniniwalang marunong sumunod sa batas ang kapatiran at igagalang ng mga nangunguna sa Iglesia ang naging pasiya ng Sandiganbayan kay Senador Marcoleta na kilalang isang miyembro ng religous group.










