-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Local Bomb Expert ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasawing IED Courier sa engkwentro ng mga sundalo sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang suspek na si alyas Abu Master tauhan ni Kumander Bungos ng BIFF Bungos faction.

Ito mismo ang kinumpirma ni 6th Infantry (Kampilan) Division Spokesman Lieutenant Colonel Dindong Atilano.

Una nang sinabi ni 602nd Brigade Commander B/General Roberto Capulong na tumanggap sila ng ulat sa dalawa katao na lulan sa isang motorsiklo na may dalang bomba.

Agad nagsagawa nang operasyon ang tropa ng 90th Infantry (Bigkis-lahi) Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Michael Maquilan at AFP-Intel Operatives.

Naabutan ang mga suspek ng mga sundalo sa Brgy Pagagawan Datu Montawal Maguindanao ngunit nanlaban ito kaya nagkabarilan.

Patay ang angkas habang nakatakas ang driver ng motorsiklo.

Dumating agad ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team ng Philippine Army at PNP kung saan kusang pinasabog nito ang IED na gawa sa bala ng 81 mm mortar, 9 volts battery at cellphone bilang triggering mechanism na dala ng suspek na napatay ng mga sundalo.

Nakuha rin sa sling bag na dala ng suspek ang isang kalibre.45 na pistola at ang bombang pinasabog.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa Maguindanao sa posibling paghihiganti ng grupo ni Kumander Bungos.