-- Advertisements --

Hawak na ng Meralco Bolts ang 2-1 na bentahe sa 2024 PBA Philippine Cup semifinals.

Kasunod ito ng talunin nila ang Barangay Ginebra 87-80 sa laro na ginanap sa Dasmarinas Arena sa Cavite.

Nanguna sa panalo ng Bolts si Allein Maliksi na nagtala ng 16 points, dalawang rebounds at isang assist habang mayroong 14 points si Bong Quinto at 10 points si Raymond Almazan.

Sa panig naman ng Ginebra ay nanguna si Japeth Aguilar na mayroong 15 points at siyam na rebounds habang mayroong 13 points si Maverick Ahanmisi.