Tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang inaasahang aftershock ang magnitude-4.2 na lindol na yumanig sa Bolinao, Pangasinan nitong hapon.

Batay sa earthquake bulletin ng ahensya, namataan ang sentro ng lindol sa 9-kilometro timog silangan ng Bolinao dakong ala-1:30 ng hapon.

Tectonic ang origin ng yanig na may lalim na 26-kilometers.

Naitala ang Intensity 1 sa Dagupan City.