-- Advertisements --

Inamin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na personal siyang nakipag-ugnayan sa liderato ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) matapos mabatid ang presensiya ng mga miyembro nito na nasa 6,000.

Ayon kay Lorenzana, dalawang beses niyang tinawagan si Sammy Al Mansour na siyang chief of staff ng MILF Bangsamoro Islamic Armed Forces, kaugnay sa pagpasok ng libu-libong puwersa sa Cotabato sa bisperas ng plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Tinalakay din daw nito ang presensiya ng mga MILF followers na nag-iikot at pagala-gala sa mga presinto na nagdulot ng intimidation lalo na sa mga “no vote” supporters.

Tiniyak naman daw ni Mansour sa kaniya ang kanilang kooperasyon sa militar at pulisya.

Mahigpit din ang direktiba ni Lorenzana kay 6th Infantry Division Commander M/Gen. Cirilito Sobejana na papaalisin at gagamitan ng puwersa sakaling magmatigas ang mga MILF supporters, pero tahimik namang lumisan ang mga ito.