-- Advertisements --

Malaki ang pasasalamat ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia dahil napansin at naging inspirasyon sa karatig na probinsya ang Suroy-suroy Sugbo.

Nagpahayag ng kagalakan si Garcia matapos nalaman na sinabi ni Bohol Governor Aris Aumentado na bukas ang kanyang lalawigan na gayahin ang programa nito upang isulong ang turismo at maipakita ang kultura’t kasaysayang handog ng isla.

Nangako naman itong susuportahan ang naging plano ng Bohol governor at sinabing handa siyang magbigay ng tulong.

“Nalipay ko’g maayo Gov. Aris. Congtaulations for being RDC chair. If you need our help, we are here. We will extend a helping hand,”, ani Garcia.

Samantala, kinumpirma ng gobernador na malapit nang gawing nationwide ang nasabing programa at posible pa umanong ilulunsad sa unang quarter ng susunod na taon.

Sinabi pa nito na sa kanilang northen escapade, naglabas umano ng direktiba si Tourism Secretary Cristina Frasco sa lahat ng kanyang regional directors na dumalo upang magkaroon sila ng ideya kung paano ito isagawa.

“It’s true. I understand that the Suroy-suroy for the entire country will be launch in the first quarter I think of next year. In fact for our Suroy-suroy northern escapade, Secretary Cristina has directed all of her regional directors for the entire country to join so that they will be able to see how. They will be able to immerse themselves in the Suroy-suroy experience,” saad ng gobernador.