Muling magsasagawa ng auction o subasta sa mga smuggled luxury cars sa Hunyo 15 para makapag-generate ng pondo na gagamitin para sa pandemic response ng gobyerno.
Ito ay matapos na mabigo ang Bureau of Customs (BOC) na maisubasta ang apat na luxury vehicles na nasabat ng BOC mula sa mga smugglers na nagkakahalaga ng P22 million.
Idineklara ng bureau kahapon ang nabigong biddings para sa mga smuggled cars para sa public auction simula noong nakalipas pang taon.
Kabilang sa sinusubasta ng BOC ay ang red 2006 Lamborghini na nagkakahalaga ng P10.38 million at ang 2008 model ng used Ferrari Scuderia 430 para sa halagang P10.45 million na apat na beses ng isinubasta subalit wala paring bumili.
Gayundin, nabigong naisubasta ang 2001 model of used Porsche Boxster para sa halagang P809,082 at 2011 Mercedes E220 na nagkakahalaga naman ng P783,049
-- Advertisements --










