-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Bureau of Customs (BOC) na kanilang nahigitan ang kanilang revenue target collection noong Abril.
Ayon sa BOC na umabot sa P68.274 bilyon ang kanilang revenue collection na mas mataas sa P68.199 bilyon sa target collection.
Kung ikumpara aniya sa Abril noong nakaraang taon ay mayroong P65.199 bilyon.
Sa unang apat na buwan ng 2023 ay pumalo na sa P281.902 billion ang kanilang target collection.
Mas mataas din ang unang apat na buwan ng 2023 ng 10.89 percent mula sa P254.226-B.
Isa sa mga naging dahilan ng mataas na colleciton ay dahil sa pinaigting na kampanya laban sa smuggling.